DADALO raw si Ara Mina sa presscon mamayang gabi ng Pinulot Ka Lang Sa Lupa, kaya kahit naglabas na ng statement ang aktres na sinabing nagkaayos na sila ng GMA Network at tatapusin niya ang Afternoon Prime, na gaganap siya bilang ina ni LJ Reyes, siguradong tatanungin pa rin siya ng mga reporter kung bakit binalak niyang umalis sa soap.

Aalamin din ng press people kung sino ang bossing ng network na kumausap at kumumbinsi kay Ara na i-honor ang commitment at tapusin ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa. Tutal nakapag-taping na rin naman siya at magugulat ang viewers kung bigla na lang mawawala ang kanyang karakter.

Sa January 30 na ang pilot ng afternoon soap mula sa direction ni Gina Alajar at tampok dito ang real life couple na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves with Martin del Rosario at LJ.

Samantala, busy rin si Ara sa malapit nang magbukas na Hazelberry Cafe’ na ang pangalan ay sunod sa real name niyang Hazel. Nakasulat na Freshly Baked Goodies ang ise-serve sa Cafe’ shop, nakalimutan lang ni Ara na i-post kung saan ang location ng kanyang bubuksang bagong negosyo. (Nitz Miralles)

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas