Taylor Swift  (AP photo)
Taylor Swift (AP photo)

IPINASILIP ni Taylor Swift sa kanyang mga tagahanga ang I Don’t Wanna Live Forever music video sa kanyang birthday greeting kay Zayn Malik, na nakatrabaho niya para sa Fifty Shades Darker soundtrack.

“Happy ‘Z’ Day,” ang inilagay na caption ni Swift sa larawan sa Instagram na makikitang nakatalikod ang singer at ang dating miyembro ng One Direction.

Wala pang opisyal na araw kung kailan ilalabas ang music video.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

I Don’t Wanna Live Forever ang magiging title track ng theme song para sa pelikulang Fifty Shades Darker na muling pagbibidahan nina Dakota Johnson at Jamie Dornan.

Makakasama nina Taylor at Zayn sa soundtrack ng pelikula sina John Legend, Sia, Halsey, Tove Lo, Kygo, The-Dream, Nick Jonas at Nicki Minaj. - MB Entertainment