Kendall Jenner, left, and Hailey Baldwin watch during the second half of an NBA basketball game between the Los Angeles Lakers and the Memphis Grizzlies, Tuesday, Jan. 3, 2017, in Los Angeles. The Lakers won 116-102. (AP Photo/Mark J. Terrill)SINAGOT na ni Kendall Jenner sa pamamagitan ng bagong post sa kanyang app ang isyu na nagparetoke siya ng mukha.

Pinabulaanan niya sa kanyang blog na The Most Upsetting Rumor ang usap-usapan at sinabing, “As a model, why would I have my face reconstructed? It doesn’t even make sense.”

Matatandaang binura ni Kendall ang kanyang Instagram noong Nobyembre. Nang buwan ding iyon, nag-Facebook Live stream sina Kendall at Kylie na pinanood ng milyun-milyong fans at napansin na may kakaiba sa mukha ni Kendall – na mas lumaki ang pout. Noon nagsimula ang espekulasyon na nagparetoke siya.

Pagkatapos ng live stream, dinepensahan ni Kylie ang nakatatandang kapatid. Nag-post siya sa Snapchat at sinabing inayos niya ang labi ni Kendall. Gayunman, matatandaan na ginamit na rin ni Kylie ang ganitong rason nang mapansin ang paglaki ng kanyang labi na kalaunan ay inamin na ipinaayos niya ito. Kahit ipinagtanggol ni Kylie ang kapatid, hindi pa rin naniniwala ang mga tagahanga at may mga nagsasabi na ang tunay na dahilan ng pagbura sa Instagram account ni Kendall ay para makapagparetoke siya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Patuloy na pinabubulaanan ni Kendall ang mga haka-haka at sinabing gusto niya ang pagkaka-makeup ni Kylie sa kanya, at siya’y “felt so pretty.” At kung bakit hindi agad ito itinanggi ni Kendall, aniya, “If I address it, people are going to be like, ‘Oh, so she’s defending herself — she must be guilty.’” - Yahoo Celebrity