Maagang sasalang ang last year runner-up at season host University of Santo Tomas sa pagsagupa nila sa Ateneo sa unang laro sa pagbubukas ng UAAP Season 72 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Manila sa Pebrero 4.

Ganap na 8:00 ng umaga ang tapatan ng Tigresses at 7th placer noong isang taon na Lady Eagles na susundan ng salpukan ng 6th placer De La Salle at ng third placer National University ganap na 10:00 ng umaga.

Magtutunggali naman sa tampok na laban ang University of the East at University of the Philippines, tumapos na panglima at pang-apat noong isang taon ayon sa pagkakasunod ganap na 12:00 ng tanghali.

Naka draw ng bye ang reigning at undisputed champion Adamson na unang sasabak sa ikalawang playing day sa Pebrero 6 kontra NU ganap na 9:00 ng umaga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasunod ng pagbubukas ng softball competition, magsisimula naman ang baseball sa susunod na araw, Pebrero 5 sa parehas ding venue kung saan sisimulan defending champion De LA Salle ang kanilang title retention bid sa pagsabak nila sa tampok na laro ganap na 11:00 ng umaga kontra University of the Philippines.

Mauuna rito, maghaharap sa unang laban ganap na 7:00 ng umaga ang National University at Adamson na susundan ng last year runner-up Ateneo at UST ganap na 9:00 ng umaga.

Walang koponan ang Far Eastern University kapwa sa softball at baseball habang wala ring team sa baseball ang UE.

(Marivic Awitan)