Ang seguridad sa dagat ang isa sa magiging sentro ng dalawang araw na pagbisita ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa bansa. Dumating siya sa Manila kahapon.

Tiniyak niya na patuloy na palalakasin ng Tokyo ang security at defense cooperation sa Manila na nakatuon sa pagsusulong ng capacity-building.

“I hope to expand ties between Japan and the Philippines through a fruitful talk with President Duterte in this visit,” ani Abe sa written interview ng Manila Bulletin.

Interesado rin si PM Abe sa pagpapalawak ng kalakalan at pamumuhunan sa Pilipinas.

Eleksyon

Bilang ng mga Gen Z voters malaking porsyento nga ba sa eleksyon?

Ito aniya ang dahilan kung bakit may mga kasama siyang Japanese businessmen na nais makapulong ang mga negosyante mula sa Manila at Mindanao.

“In particular, we will expand assistance in the areas prioritized by the Duterte administration such as infrastructure development; public safety and counter-terrorism; and anti-illegal drugs measure,” aniya.

Sabik rin si Abe na bumisita sa Davao, ang bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“It is a great pleasure for me to have an opportunity to visit Davao, which has historically close ties with Japan; in particular, it was home to about 20,000 early Japanese immigrants in the Philippines,” aniya.

Inihayag din ni Abe ang hangarin na magkaroon ng aktibong papel sa pagtitiyak na masusunod ang batas at mapanatili at maisulong ang bukas at matatag na karagatan, partikular sa South China Sea, katuwang ang mga lider ng rehiyon, kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ngayong 2017.

Ayon sa Japanese leader, ang sigalot sa soberanya ng malaking bahagi ng South China Sea ay ipinag-aalala ng pandaigdigang komunidad, kabilang na ang Japan, dahil ito ay nakaugnay sa kapayapaan at katatagan ng mundo.

“The South China Sea holds sea lanes that are crucial not only to the regions around it, but also to the growth of global economy,” diin ni Abe.

Binanggit niya na bilang mga bansang napapalibutan ng dagat, nakasalalay ang kaligtasan at kaunlaran ng Japan at Pilipinas sa “peaceful, stable, free, and open seas.”

“It is for this reason that Japan has consistently been advocating for respecting the rule of law at sea,” diin ni Abe. (ROY C. MABASA)