dingdong-copy-copy

PROUD na proud si Jaclyn Jose sa Alyas Robin Hood kaya saan man niya makita ang billboard o tarpaulin nito ay agad niyang ipino-post sa kanyang Instagram account.

Pero mas proud siya kay Dingdong Dantes na gumaganap bilang anak niya sa kanilang serye.

Malakas ang support system ng mga bida ng Alyas Robin Hood na naisasalin nila sa bawat episode na ipinapalabas. Kaya hindi rin mapigilan ang well-loved at top-rating GMA Primetime series na Alyas Robin Hood sa pagratsada sa TV ratings since day one.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Hooked na hooked ang fans sa panonood nito — mapa-lovelife ni Pepe hanggang sa action-packed scenes.

Hindi kataka-taka ang suportang ito ng viewers dahil pati nga ang mga artistang gumaganap dito ay madali ring minahal ang kuwento ng kanilang serye at mga kasamahan.