SA January 30 na ang huling araw ng term ni Pia Wurtzbach bilang Miss Universe. Sa araw na iyon, ipapasa na niya ang kanyang korona sa bagong hihiranging pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

Habang nalalapit ang coronation ng 65th Miss Universe na gaganapin dito sa Pilipinas, patuloy ang mainit na pagsubaybay ng buong mundo sa mga ikinikilos ng reigning Miss Universe .

Sa katunayan, pagpasok ng Bagong Taon, pinausok nila ni Marlon Stockinger ang social media nang i-post niya ang sizzling photos nila habang magkasama silang nagbabakasyon sa Hawaii.

Pinag-uusapan at trending din ang kanyang Live Q and A sa social media at ang mga sagot niya sa ilang katanungan ng kanyang fans.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

May nagtanong kay Pia kung sinu-sino ang mami-miss niyang mga tao kapag nagtapos na ang kanyang panunungkulan bilang Miss Universe.

“I’m going to miss Esther (Swan, ng MUO o Miss Universe Organization) e-mailing me my itinerary every day, and our travels, our long talks in the airplane, our food trips,” sagot ni Pia.

Hindi rin niya makakalimutan ang buong staff ng MUO na buong puwersang umalalay sa kanya sa buong panahon ng panunungkulan niya as Miss Universe.

“Everybody in the Miss Universe Organization played a big role in making my reign memorable,” emosyonal na pahayag ng dalaga.

“I’m really glad that I got to work with everybody. I’m really grateful and I hope I didn’t give you guys too much of a headache,” pabirong dugtong ni Pia.

Bagamat mayroon nang hahalili sa kanyang reign as Miss U, nagpapasalamat pa rin si Pia sa MUO na papayagan pa rin siyang ipagpatuloy ang ilang natitira niyang trabaho roon pagkatapos ng pageant sa Enero 30.

Babalik siya ng New York para ipagpatuloy ang ilan sa mga trabahong nasimulan niya.

“I am very lucky that I still have a lot of work lined up after Miss Universe. In fact my February is booked, that’s good. The work continues on. I’m coming back here in New York. I am going back to the office and resume,” sey ng reigning Miss U.