sunshine-copy

MAY malaking epekto raw sa annulment case nina Sunshine Cruz atCesar Montano ang lantarang pakikipagrelasyon ng una kay Macky Mathay. 

Pero para kay Sunshine, tatlong taon na rin naman silang hiwalay.

Wala naman daw siyang dapat ipag-alala as long as pabor naman sa relasyon nila ang kanyang tatlong anak at ang kanyang ina at mga kapatid.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Samantala, ayon sa mga taong malapit sa kanila ay kitang-kita na sobrang in love sina Sunshine at Macky sa isa’t isa.

Parang hindi na raw yata naghihiwalay. Pati ang pagbo-boxing ng aktres ay pinasok na rin ng kapatid ni Ara Mina. 

Magkasama ang dalawa nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon, with Sunshine’s kids, mom at kapatid.

Dasal ng mga taong malapit sa dalawa na ma-grant na sana ang annulment nina Sunshine at Cesar para magpakasal na rin sila. Sana rin ay walang maging problema si Macky sa ex-wife nito, huh! (Jimi Escala)