manilyn-sheryl-at-tina-copy

IMPORTANTE at malalaki ang roles saMeant To Be nina Manilyn Reynes,Tina Paner at Sheryl Cruz at kung wala ang characters nila, hindi gaganda nang husto ang istorya.

Gaganap si Manilyn bilang si Amelia, ang ina nina Barbie Forteza at Sef Cadayona. Si Tina naman ang ina ni Mika dela Cruz at si Sheryl ang ina ni Ivan Doschner. Matagal nilang hinintay na muli silang magkasama-sama sa isang show at matagal ding hiniling ng kanilang fans, kaya nang mangyari, hindi lang silang tatlo ang masaya kundi pati na ang kanilang fans.

Ano ang nararamdaman nila sa kanilang pagsasama-sama sa isang show?

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ako’y natutuwa dahil more than 20 years na ‘di namin pagsama-sama, dito sa Meant To Be, nangyari na. Matagal na hinihiling na mabuo uli ang Triplets at para sa fans namin, panibagong Triplets ang aabangan,” sagot ni Tina.

Sabi ni Sheryl, “This project, this is meant to be.

“Malaking tulong umarte at kasabay mong umarte ang kakilala mo na, much more kung kaibigan mo. Thankful ako sa GMA-7 for this project,” ayon naman kay Manilyn.

Masaya rin si Keempee de Leon na kasama niya uli ang Triplets. Importante rin ang role niya bilang si Winston dahil siya ang magiging dahilan kung bakit may conflict ang magkapatid at twins na sina Amelia at Lucy.

“Natutuwa ako and it’s an honor for me to work with the Triplets again. It’s very different, dati laru-laro lang. I enjoy working with them. Ang kaibahan lang ngayon, maaga na silang inaantok,” pambubuking ni Keempee.

Mamaya na, pagkatapos ng Alyas Robin Hood, ang pilot ng Meant To Be mula sa direction ni LA Madridejos. Napansin lang namin sa mga eksena nina Barbie at Mika, parang may flash ang camera sa sumasabog na liwanag dahil pareho silang maputi. (Nitz Miralles)