Ibubuhos ng Philippine Sports Commission (PSC) ang buong suporta nito sa mga atleta ng Team Philippines sa pagbibigay foreign exposures, sports psychologists, sports nutritionists at equipments na gagamitin sa kanilang mahigit pitong buwan na preparasyon para sa paglahok sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong Agosto 19 hanggang 31.

Ito ang sinabi ni PSC Chairman William Ramirez sa inaasahang pagsisimula ng 37 national sports association sa kanilang preparasyon para sa kada dalawang taong torneo.

Nagkasundo ang mga opisyales ng PSC t iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) sa tatahaking direksyon sa ginanap na PSC-NSA Directional Meeting sa Tagaytay Highlands dito.

Dumalo ang 35 sa inimbitahang 40 NSAs sa pagtitipon na inorganisa ng PSC upang mapagkaisa sa layunin na lampasan ang nakakahiyang kampanya ng Pilipinas sa nakaraang 2015 SEA Games na ginanap sa Singapore.

Hidilyn Diaz, Sonny Angara, nagpulong; weightlifting raratsada na sa Palarong Pambansa?

Matatandaang tumapos na ikaanim lamang ang bansa sa nakaraang edisyon sa pagwawagi ng kabuuang 29 ginto, 36 pilak at 66 tanso.

“We showed the past performances of the Team Philippines and its medal in the SEA Games from 2005 to 2015. And we agreed to a one direction to achieve our goal in this year’s competition,” sabi ni Ramirez.

Nakatuon din si Ramirez sa nabuong programa sa nasabing tatlong araw na pagtitipon na hindi lamang para sa 2017 SEAG kundi hanggang sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia, 2019 Philippine SEAG at 2020 Tokyo Olympics.

Bukod sa Pilipinas at host Malaysia, ang bennial meet ay sasalihan din ng Indonesia, Thailand, Singa¬pore, Vietnam, Brunei, Laos, Cambodia, Myanmar at Timor Leste. (Angie Oredo)