CABANATUAN CITY — Hindi umano magpapaapekto sa desisyon ng Office of the Ombudsman si dating Nueva Ecija Gov. Aurello Oyie Umali kaugnay sa reklamong pork barrel scam at sa halip ay nangakong ipagpapatuloy ang pagtulong sa mga magsasaka ng probinsiya.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ng abogado ni Umali na si Atty. Honorio Eduardo Reyes III na maghahain sila ng motion for reconsideration para sagutin ang findings ng Ombudsman hinggil sa umano’y P15 milyon na Priority Development Assistance Fund (PDAF) noong siya pa ang kongresista ng 3rd district.
Ayon kay Reyes, malinaw na napunta sa subsidiya ng mga magsasaka ang P15 milyong PDAF ni Umali at ito’y napakinabangan sa pamamagitan ng libreng pataba at water pump sa Gabaldon at General Natividad.
“Kung kasalanan po ang pagtulong sa mga magsasaka, malugod po naming tinatanggap ang desisyon ng Ombudsman. Pero as far as former governor Umali is concern, tuluy-tuloy po ang pagseserbisyo n’ya para sa mga magsasaka ng Nueva Ecija,” giit ni Reyes. (Light A. Nolasco)