addy-raj-copy-copy

SAMA-SAMANG pinanood nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorchner, Addy Raj, Ken Chan at Mika dela Cruz ang pilot episode ng Meant To Be bago pa man ang premiere airing nito bukas.

Masaya ang grupo, panay ang kantiyawan at biruan sa mga eksenang pinapanood. May inside jokes sila na sila-sila lang ang nakakaalam.

First acting assignment ito ng Indian na si Addy na gumaganap bilang si Jai Patel, galing Mumbai, chickboy, rich, hyper, friendly, makulit at guwapo. In fairness, nakuha niya ang kanyang karakter at role, makulit at hyper nga siya sa kanyang mga eksena.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Pinag-react namin si Addy sa isyung binabakuran ni Ken si Barbie para hindi sila makalapit at maging close sa young actress.

“Not true! He can’t, he just can’t, hindi ako papayag,” pabitin niyang sagot kaya inusisa namin kung bakit hindi puwede.

Pero ayaw nang magsalita, puro ngiti ang reaction niya at tinabihan si Barbie sa upuan.

Naalala namin ang kuwento ni Barbie sa presscon ng Meant To Be na sa apat niyang leading men, si Addy ang clingy at mahilig mag-text sa kanya kahit alas tres ng madaling araw na. Ang paliwanag naman ni Addy, wala siyang kaibigan dito at ang co-stars lang sa rom-com series ang friends niya, lalo na si Barbie.

Kaya lang, kailangan ba talagang 3:00 AM siya mag-text? Wala ba siyang cellphone sa ibang oras ng isang araw? Mabuti pala at hindi na ibinuking ni Barbie kung ano ang itini-text sa kanya ni Addy.

Masarap kausap si Addy kahit limitado pa ang alam sa mga salitang Tagalog. Wala raw siyang balak mag-showbiz dati.

Pero nang bumalik siya sa India, wala siyang option.

“I decided to live here. I like to be in Asia and in the Philippines. In India, they were trying to get me in a reality show. But I like to be here,” kuwento ni Addy.

Bukas na, pagkatapos ng Alyas Robin Hood, ang simula ng Meant To Be at ‘pag nanood kayo, mag-a-agree kayo sa sinabi naming nagampanan nang maayos ni Addy ang role ni Jai Patel. Masaya si Direk LA Madridejos kay Addy dahil gaya sa ibang cast, nakikinig sa instructions niya.

Samantala, nasa Robinsons Novaliches ngayong 5 PM, sina Barbie, Mika, Jak, Ivan, Addy, Ken at Sef Cadayona para i-promote ang Meant To Be. (Nitz Miralles)