CABANATUAN CITY — Isang 36-anyos na traffic enforcer na umano’y sangkot sa ilegal droga ang naaresto sa Cecilia Village sa lungsod na ito noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Supt. Ponciano Zafra, Cabanatuan police chief, ang suspek na si Michael Sison.

Naaktuhan umano si Sison na nagbebenta ng droga sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska mula sa kanya ang apat na plastic sachet ng shabu, at Yamaha Mio 125 na motorsiklo na walang plaka na umano’y gamit ni Sison sa pagbebenta ng droga. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!