HINIRANG na board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) si Margaux “Mocha” Uson, ang kontrobersiyal na blogger at entertainer na kilalang masugid na tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialidea opisyal na itinalaga si Mocha noong Enero 3.

Kinumpirma ni MTRCB Chairman Toto Villareal kahapon na nasa kanila na ang appointment papers ni Mocha na pirmado ng Pangulo. Wala pang petsa kung kailan siya magsisimula sa trabaho.

Binanggit ni Communications Secretary Martin Andanar na makatutulong sa MTRCB ang impluwensiya ni Mocha bilang “blogger” at karanasan bilang artist.

Tsika at Intriga

Pinay na nag-steamy dance sa concert ni Ne-Yo, pinagpiyestahan!

“What makes her not qualified? Mocha is an artist, she’s one of the biggest artists we have in the country. She’s been in the show business world for more than a decade already, she’s an educated person. She’s one of the biggest bloggers we have in the Philippines, very influential,” sabi ni Andanar sa mga reporter.

Ang MTRCB ang nagrerebyu at nag-uuri sa mga pelikula, programa sa telebisyon at publicity materials. (Chel Quitayen)