PERTH, Australia (AP) — Balik-aksiyon si Roger Federer. Balik din sa panalo ang dating world No.1.

Matapos ang anim na buwang pahinga bunsod ng pinsala sa kaliwang tuhod, naungusan ng Swiss star si Dan Evans 6-3, 6-4 nitong Lunes (Martes sa Manila) para sandigan ang Switzerland sa 3-0 panalo kontra Britain sa Hopman Cup mixed teams tournament.

Namintis ng 17-time major winner ang nakalipas na season ng French Open, para tuldukan ang matikas na 65 sunod na Grand Slam tournaments sa kabila ng iniindang injury na natamo noong Hulyo,

Huling sumabak si Federer noong Hulyo sa Wimbledon, ngunit hindi siya kinakitaan ng pangangalawang sa 61 minutong panalo kay Evans.

‘Kyle Negrito is the Key?’ Creamline malapit na mag-grand slam

"I'd like to live it again. I'm a little bit sad it's over, because it was so nice out there," pahayag ni Federer.

“I was actually quite emotional. When I walked down, I was like, 'Oh my God, this is better than I thought it would be,” aniya.

Ginapi ni Belinda Bencic si Heather Watson, 7-5, 3-6, 6-2, para ibigay sa Switzerland ang 2-0 bentahe. Kinumpleto nina Federer at Bencic ang pagwalis sa karibal sa panalo sa mixed doubles laban kina Evans at Watson 4-0, 4-1.

Iginiit ni Federer na plano niyang maglaro ng ilang torneo sa Perth bilang paghahanda sa kanyang pagsalang sa Australian Open simula sa Enero 16. Hindi pa nakapagwagi ng Grand Slam si Federer mula noong 2012 sa Wimbledon,at huling nanalo sa Australian Open noong 2010.

"After all these years, it would be nice to win another one — of course I'd even take two or three or four," aniya.

"We'll see. It's tough at the top. A lot of good guys out there right now. I'll give it a chance, and see what happens."

Sunod na makakaharap ng Switzerland ang Germany sa Miyerkules bago sagupain ang France sa Biyernes. Batay sa format, ang magwawagi sa Group A qualifying ay makakausad sa Finals.

Ginapi ng France ang Germany 2-1 nitong Lunes, matapos mangibabaw si Richard Gasquet kay Alexander Zverev 7-5, 6-3, gayundin ang tambalan nila ni Kristina Mladenovic sa mixed doubles, 4-2, 4-1. Nagwagi naman si Andrea Petkovic kay Mladenovic 6-2, 6- sa women's singles.