VATICAN (AP) – Tinagubilinan ni Pope Francis ang mga obispo ng Simbahang Katoliko sa buong mundo na gawin ang lahat na nararapat upang matiyak na maprotektahan ang mga bata sa sexual abuse ng mga pari.

Inilabas ng Vatican noong Lunes ang teksto ng liham noong Disyembre 28 na ipinadala ni Pope Francis sa mga obispo tungkol sa kaapihan ng mga bata. Kabilang sa mga ito ang slave labor, malnutrition, kawalan ng edukasyon at pang-aabusong sekwal, na ang ilan ay kagagawan mismo ng mga pari.

“It is a sin that shames us,” sulat ni Pope Francis. “Persons responsible for the protection of those children destroyed their dignity.”

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa

Hiniling niya ang “complete commitment” ng mga obispo upang hindi na mangyari ang mga ganitong uri ng pag-aabuso sa Simbahan. “In this area, let us adhere, clearly and faithfully, to zero tolerance,” aniya.