ITINAKDA ng Philippine Rugby Football Union (PRFU) ang nais maabot na pinakamataas na direksiyon para sa 2017 sa pagpaplano sa pagdedepensa ng Volcanoes sa titulo sa 29th Southeast Asian Games at inaasam na mas mataas na medalya para sa Lady Volcanoes.

Napag-alaman kay Jake Letts, head coach ng PRFU national teams, na nakatuon ang kanilang atensiyon sa torneo ng rugby sevens competitions sa kada dalawang taong torneo na gaganapin sa Malaysia sa pagnanais sa Volcanoes na maiuwi ang ikalawang sunod na ginto habang asam ng Lady Volcanoes na mapaganda ang nakamit na ikatlong puwesto sa huling pagsali sa Singapore.

“2017 will be another big year for Philippine rugby. We’ll have the SEA Games. We want to ensure that we go back-to-back in the men’s division and we want the women’s team to get one better,” sabi ni Letts, isa ring miyembro ng Volcanoes.

Matatandaan na kasama ni Letts ang men’s team sa pagdomina sa 2015 edisyon ng SEAG sa Singapore matapos walisin ang limang laro sa preliminaries bago kinumpleto ang misyon sa 24-7 na panalo kontra Malaysia para sa gold medal.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Itinala naman ng women’s team ang dalawang panalo sa apat nitong laban sa eliminasyon para masungkit ang silya sa bronze medal match bago nagawang magwagi kontra sa Malaysia, 22-0.

Ang nakatakdang kampanya sa SEA Games ang magpapasimula naman sa apat na taong programa ng PRFU tungo na sa inaasahang nitong pagtuntong sa 2020 Tokyo Olympics.

Matapos ang Malaysia SEAG, target ng Volcanoes makasungkit ng medalya sa 2018 Asian Games bago tumutok sa kanilang plano para sa 2019 SEAG kung saan ang Pilipinas ang magsisilbing host at ang pinakahuli nitong misyon na makapag-qualify sa Tokyo Olympiad.

“The Philippines has qualified in the Rugby Sevens World Cup before in 2013 so it’s safe to say the Philippines is a growing force of rugby in Asia. But in order to get that No. 1, we have to beat teams like Japan. Japan placed fourth in the (Rio) Olympics and proved that Asian rugby is on the rise,” sabi ni Letts.

“Our plans are to qualify for the Olympics in 2020. I think there will be two teams from Asia (in the Tokyo Games).

Have we finished in the Top 2 (in Asia) before? We have,” aniya. (Angie Oredo)