LeBron James,Anthony Davis

Triple-double ni Green, nagsalba sa Warriors; Cavs at Bucks umarya.

OAKLAND, Calif. (AP) – Nasa tamang wisyo ang Golden State Warriors, sa pangunguna ni Draymond Green na nagtala ng triple-double, tampok ang krusyal na jumper at tip-in para magapi ang Denver Nuggets, 127-119, nitong Lunes (Martes sa Manila) sa Oracle Arena.

Kumana ng mahigit sa tig-20 puntos ang mga starter na sina Klay Thompson, Steph Curry at Kevin Durant, subalit mas impresibo si Green sa naiskor na 15 puntos, 13 assist at 10 rebound.

Kahayupan (Pets)

Pet-friendly resto, nagsalita na sa isyu ng diskriminasyon sa aspin ng isang customer

Naisalpak ni Curry ang anim na sunod na puntos sa 8-0 run ng Warriors sa pagtatapos ng third period para mapalawig ang bentahe sa 14 puntos. Nagawang makahabol ng Nuggets, ngunit sapat ang lakas ng Golden State sa end-game.

BULLS 118, HORNETS 111

Sa Chicago, hataw si Jimmy Butler sa natipang 52 puntos sa panalo ng Bulls kontra Charlotte Hornet.

Isang puntos lamang ang kulang para pantayan ni Butler ang career high na nagawa niya noong Enero 14, 2016 sa Philadelphia.

Tumatag naman ang laban ni Kemba Walker na mapabilang sa All-Star Game sa naiskor na 34 puntos at season-high 11 rebound. Kumana si Walker ng 37 puntos laban sa Cleveland nitong Sabado para maitala ang magkasunod na 30-plus point game sa kauna-unahang pagkakataon mula noong Marso 7-9, 2016.

CAVALIERS 90, PELICANS 82

Sa Cleveland, muling sinandigan ni LeBron James ang Cavaliers sa nakubrang 26 puntos sa panalo laban sa New Orleans.

Hindi nakalaro si Cavaliers guard Kyrie Irving sa ikalawang sunod na laro bunsod ng injury sa kanang hita, habang 10 Cavs lamang ang unipormadong makapaglaro.

Umusad ang Pelicans sa 84-82 mula sa free throw ni Buddy Hield may 2:56 sa laro. Umarangkada si James ng anim na sunod na puntos at sinupalpal ang opensa ng karibal sa huling 1:47 para selyuhan ang ikawalong panalo sa huling siyam na laro ng Cavaliers.

Nanguna si Anthony Davis sa Pelicans sa natipang 20 puntos at 17 rebound.

BUCKS 98, THUNDER 94

Sa Milwaukee, hataw si Greek forward Giannis Antetokounmpo sa naisalanan na 26 puntos at 10 rebound,habang naisalpak ni rookie Malcolm Brogdon ang dalawang free throw sa huling 8.8 segundo para magapi ng Bucks ang Oklahoma City Thunder.

Sa iba pang laro, ginapi ng Utah Jazz, sa pangunguna ni Gordon Hayward na kumana ng 30 puntos, ang Brooklyn Nets, 101-89; pinulbos ng Houston Rockets ang Washington Wizards, 101-91, at hiniya ng Orlando Magic ang New York Knicks, 115-103.