assunta-copy

MATAMIS na ngiti lang ang isinagot ni Assunta de Rossi nang tanungin namin tungkol sa isyung hiwalay na sila ng kanyang asawang si Cong. Jules Ledesma nang dumalo ang aktres sa Christmas party ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Hindi na kasi sila nakikitang magkasama ng asawa sa anumang mga okasyon, at dagdag pa, after more than 12 years na pagsasama ay hindi pa rin sila biniyayaan ng anak.

Ang bigla na lang ikinuwento ng aktres sa amin ay ang ginagawa raw niyang pelikulang Higanti na base raw sa true story.

Totoo bang nangangamatis ang bagong tuling ‘pututoy’ kapag nakita ng babae?

Tiyempo ba namang asawa ng isang congressman ang role niya na iniwanan at ipinagpalit sa ibang babae. Pero dagli rin namang nilinaw ni Assunta na hindi raw nila istorya ni Cong. Jules ang pelikula.

“May anak kami ng asawa ko sa pelikula pero ‘yun na nga, ipinagpalit niya ako sa ibang babae at kinuha pa niya ang kayamanan ko at ang masakit pa, eh, pati mga anak ko, eh, pilit niyang inilalayo ang loob sa akin,” kuwento ni Assunta.

Under Gitana Film Productions ang Higanti at gustung-gusto niya ang kanyang role na very challenging.

Si Jay Manalo ang leading man ni Assunta at si Katrina Halili naman ang gumaganap na mistress. Sey pa ni Assunta, gugulatin daw nila ang mga manonood sa ending ng movie nila

“Kakaiba ang twist ng pelikula naming ito,” sey niya.

Samantala, ang producer ng naturang pelikula ni Assunta ay ang radio anchor na si Teresa Cancio na siya ring producer ng isa pang indie film na Pusit. (JIMI ESCALA)