LUMIPAT ng bakuran ang dalawang promising volleyball player para makapaglaro sa University of the East.
Mismong si UE women’s volleyball team head coach Francis Vicente ang nagkumpirma sa paglipat sa UE nina setter Rica Diolan at spiker Angelica Macabalitao.
Aniya, kapwa enrolled na ang dalawa at maghihintay na lamang ng kanilang residency para makalaro sa Lady Warriors.
Si Diolan na dating naglaro sa National University ay natanggal sa team sa ginawang build-up ng koponan sa ilalim ni coach River Gorayeb. Una nitong binalak na lumipat ng St.Benilde, ngunit hindi ito nakapasa sa admission test.Mismong si Vicente ang kumuha kay Diolan nang ma- cut ito sa line-up ng Lady Bulldogs.
Nagkasama ang dalawa nang lumaro si Diolan para kay Vicente sa Asian Under 19 tournament noong nakaraang taon.
Ayon kay Vicente wala siyang interest sa kung anuman ang dahilan ng paglipat ng dalawang manlalaro, ngunit inaasahan niyang pagtutuunan ng mga into ang kanilang training para sa tagumpay ng Lady Warriors.
“Nakaraan na yun, tapos na, kaya dapat kalimutan na nila, dito na sila dapat mag focus sa UE., “ ani Vicente.
(Marivic Awitan)