nadine-at-james-copy

GINULAT ni Direk Antoinette Jadaone ang mga tagasubaybay ng seryeng Til I Met You, lalo na ang TIMYlineals sa kanyang announcement nitong nakaraang weekend na maggo-goodbye na sa ere ang kanyang serye na pinagbibidahan nina James Reid, Nadine Lustre at JC Santos.

“#TillIMetYou The Last 3 Weeks,” aniya sa kanyang post sa Twitter kasama ang teaser na may babaeng nag-aalok kay Basti (James) para bumalik sa Greece at iwanan ang kanyang asawang si Iris (Nadine).

Hindi nabanggit kung tragedy o happy ang ending base sa inilabas na trailer.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nagsimulang umere ang pangalawang serye ng JaDine noong Agosto August 29 sa pangalawang timeslot ng primetime ng Dos bago ito inilipat sa pangatlong slot kalaunan.

Samantala, agad nagkomento at nag-post ng pagkadismaya sa announcement ni Direk Tonet ang ilang fans ng love team, naririto ang ilan:

@feliep20: “Bakit naman po matatapos na, Direk @tonet_jadaone hindi naman kami handa, ito na nga lang inaabangan ko araw-araw matatapos na agad. Nakaka-sad naman po.”

@missmmt: “Sad. But honestly TIMY has had too many plots and conflicts in its entire run that some felt a little half baked. Pero sad pa din.”

@alwaysoliddjdph: “Direkkkkk... ang sakit... Bakit????”

@ireneyangzon: Affected ako, magnu-New Year pa naman, ang lungkot.”

@joaysel: Direk @tonet_jadaone masakit at maluha ang New Year. Basta, please don’t go...” (ADOR SALUTA)