GERONA, Tarlac – Isa na namang pampasaherong bus ang pinagbabato sa highway sa Barangay San Antonio, Gerona, Tarlac, madaling araw ng Sabado.

Ang Kinglong (Viron) bus na may plakang AGA- 8556 at minamaneho ni Marcial Navor, 43, ay biyaheng norte nang batuhin ito ng isang ‘di kilalang lalaki, ayon sa ulat.

Tumama ang bato sa bintana sa tabi ng driver, ngunit hindi naman siya nasugatan.

Napag-alaman na marami nang sasakyan ang napeperwisyo dahil sa pamamato sa naturang highway. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog