Labing-isang Pinay nurse ang nakapasa sa recognition examination sa ilalim ng Triple Win Project (TWP) bilang Qualified Nurses (Gesundheits-und Krankenpflegerin) sa Frankfurt, Germany, ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Magiging kuwalipikado na sila para magtrabaho sa Germany.

Simula Setyembre 2016, mayroon nang 170 Pinoy nurses ang napaalis sa ilalim ng TWP. May 300 pa ang sumasailalim sa language at work training.

Nagsimula ang TWP noong Marso 2013 matapos lumagda sa Bilateral Agreement (BA) ang Federal Employment Agency (BA) ng Germany at DoLE. (Mina Navarro)

'OGD!' Ogie Diaz, magkakaroon ng bagong show sa TV5