angel-maculot-copy

UUMAKYAT uli ng bundok si Angel Locsin kasama ang mga kaibigan. Inakyat nila ang Mt. Maculot, sa Cuenca, Batangas.

Post niya sa Instagram (IG), “2 mountains in 2 weeks” dahil una na siyang umakyat sa Mt. Cayabu-Mt. Maynuba.

Maraming pictures na ipinost si Angel sa pag-akyat sa Mt. Cayabu-Mt. Maynuba at Mt. Maculot, pero hindi makikita ang nabalitang pagkalagas ng kanyang buhok dahil lagi siyang naka-cap.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit nga ba hinihingi ng mga kandidato ang suporta ng INC tuwing eleksyon?

Mula nang mabalitang nagkaroon siya ng major hair problem, madalas makitang nakasumbrero ang aktres.

Anyway, pinupuri ng netizens si Angel dahil hindi man lamang siya nag-rant sa social media sa nangyari sa buhok niya.

Pero dahil hindi nagrereklamo, hindi rin tuloy makumpirma kung totoong nalagas ang buhok niya o tsika lang. Kung kailan siya magsasalita, ‘yun ang hintayin natin.

Samantala, good friends na talaga sina Angel at Angelica Panganiban. Katunayan, niregaluhan ng una ang huli nitong nakaraang Pasko. Nalaman ang tungkol dito dahil sa post ni Angelica na “@therealangellocsin salamat sa regalo ganda.

Happy holidays.”