ian-at-bea-copy-copy

GAGANAP na musician si Ian Veneracion sa seryeng A Love To Last na mapapanood na sa ABS-CBN sa Enero. Aminado si Ian na may stage fright siya, kaya tinanong siya sa kanyang guesting sa Tonight With Boy Abunda kung paano niya gagampanan ang kanyang papel?

“It’s not me, it’s Anton (name ng character niya) singing,” sagot niya kay Kuya Boy..

Pabiro ring inamin ni Ian na sa edad na 41 ay may pagka-immature pa rin siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: July 16, 1990, ang pagyanig ng magnitude 7.8 na lindol sa Luzon

“I’m a 14 year-old trapped in a 41 year-old body,” sabay tawang sabi ng actor. “’Yung naughtiness as a little boy is still there, I don’t think its ever going to go away.”

Sa segment ng “Fast Talk,” sinabi ni Ian na “eyes” ang nagpapaseksi kay Bea Alonzo and kung naging babae siya, siya si Eula Valdez.

Nang tanungin tungkol sa “weirdest thing you’ve read about yourself on the net,” sagot ni Ian, “I never read anything online.”

Chocolates naman ang isang bagay na hinding-hindi niya pagsasawaan.

Nang tanungin kung may access o binubuksan ba ng kanyang wife ang cellphone niya, ang sagot ni Ian, “No way! It’s respect.” At inamin na seloso siya.

Ang hottest woman na nakatrabaho niya?

“Alice Dixson.”

The best time for alcohol is, “Christmas.”

At ang kanyang New Year’s Resolution: “Exercise more.”

Nang tanungin kung ‘size matters’? Diretsong sagot ni Ian na ikinatawa ng studio audience: “Of course!” (ADOR SALUTA)