angel_-copy-copy

NAGLAGAS ang buhok ni Angel Locsin at ang loyalistang followers niya ang nagagalit sa salon na nag-hair treatment sa kanya.

Nag-post kasi si Angel sa Instagram na naka-wig at may caption na, “selfie kasi curly” pero kapag tinitigan nang husto ang mga litrato ay parang sumobra ang kapal ng kanyang wig at halatang tinatakpan nga ng aktres ang buhok.

May nagsabi sa amin na napakanipis daw ng buhok ngayon ni Angel.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Tinawagan namin ang aktres kahapon bago namn sinulat ang balitang ito.

“Hi Ete Reggs, sorry nasa labas po ako,” bungad ni Angel sa amin.

Tumawa siya nang tumawa nang itanong namin kung ano ang nangyari sa buhok niya.

“Saka ko na lang po ikukuwento sa iyo, promise, pero ‘wag mo isusulat,” tumatawa pa ring sabi niya.

Hirit namin, kailan kami magkikita.

“Soon po, basta ikukuwento ko sa ‘yo.”

Hay naku, ganyan talaga si Angelica Colmenares aka Angel Locsin, Bossing DMB. Ikukuwento niya honestly ang buong katotohanan ng anumang isyu sa kanya, pero magbibilin naman na ayaw na niyang palakihin pa.

Kaya kadalasan naman, ang loyalist niyang followers na ang nagagalit para sa kanya. Sa inyo ngayon, nagsasabi ang mga ito na idemanda ang salon na gumawa ng buhok ng dalaga.

Ito ang ilang post ng followers ng aktres:

“Well, they should pay Angel a ton of money. She endorses a shampoo brand so her hair is important. It is very kind of Angel not to bash the place. They owe her big time.”

“Which salon, if this is true? Whoever it is, causing a client to go bald after a supposed treatment will be very, very bad to the business. More so, when that client is well known.”

Pero may naghaka-haka rin na, “Kung napanood n’yo ‘yung The Third Party, sobra ang hair color n’ya du’n that caused the hair damaged. At true din na nagpagupit s’ya para humaba ulit ‘yung tunay na buhok hindi sya puwede magpakita sa public ng short hair kasi may contract pa s’ya sa shampoo endorsement n’ya. Bawal ang short hair kapag may shampoo endorsement. Kalma!”

Anyway, anuman ang nangyari sa buhok ni Angel ay sana bumalik sa dati dahil marami pa siyang projects na gagawin.

(REGGEE BONOAN)