Nagkagulo ang mga empleyado ng isang motel nang madiskubre ang bangkay ng isa sa kanilang mga customer sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa pamamagitan ng mga identification (ID) card, kinilala ang biktima na si Jennifer Sanchez, 36, ng Phase 7-A, Package 9, Block 69, Barangay Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni PO1 Divine Grace Rola ng Women’s and Children Protection Desk ng North Extension Office, dakong 6:00 ng umaga, mag-isang nag-check in si Sanchez sa isang motel sa Villa Angelita, Zabarte Road, Barangay 177, Camarin, Caloocan City.

Bandang 8:00 ng gabi tinawagan si Sanchez upang ipaalam na tapos na ang oras ng kanyang pananatili sa motel, ngunit walang sumasagot.

National

PBBM namahagi ng P100M ayuda; umaasang makabangon agad ang Bicol

Dahil dito, kinatok ng mga room boy ang ginang subalit hindi umano sila pinagbubuksan hanggang sa kumuha na sila ng susi, ngunit naka-lock umano ang loob nito.

Dito na napilitan ang mga room boy na sirain ang pintuan ng kuwarto ni Sanchez at tuluyang bumulaga ang nakabigting bangkay nito. (Orly L. Barcala)