TARLAC CITY - Nabahala ang ilang residente sa Sitio Estrella, Barangay San Rafael sa lungsod na ito nang bigla na lamang nag-amok ang isang lalaki at pinagtataga ang kanyang mga kabarangay makaraang hiramin nang walang paalam ang kanyang hagdang kahoy nitong Lunes ng umaga.
Sinabi ni SPO1 Rancee Navarro na nangyari ang insidente dakong 8:45 ng umaga matapos na gamitin ni Mario San Gabriel, 52, ang hagdang kahoy ni Butch Zablan, 51, may asawa.
Nasa hagdan si San Gabriel at inaalis ang tent sa kanyang bahay nang yugyugin ni Zablan ang hagdan at sinabi: “Bakit mo ginamit ang hagdan ko?”
Dito na pinagtataga ng suspek sa kaliwang balikat ang biktima. (Leandro Alborote)