Naging madugo ang inuman ng tatlong lalaki matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Dead on the spot si Sandy Geronimo, 36, ng No. 173, 3rd Street, 7th Avenue, East Grace Park ng nasabing lungsod sanhi ng tama ng mga bala sa katawan habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa niyang kainuman na umano’y dayo lang sa nasabing lugar.

Base sa report, dakong 1:40 ng madaling araw, nag-iinuman ang mga biktima sa kanto ng M.H. Del Pilar Street, 7th Avenue ng nasabing lungsod.

Makalipas ang ilang oras ay sumulpot ang dalawang lalaki, kapwa nakasuot ng face mask at lulan sa motorsiklo, at walang habas na pinagbabaril ang mga biktima.

MRT-3 GM Bongon, sinibak sa puwesto dahil sa nagkaaberyang escalator

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa ilegal na droga ang insidente. (Orly L. Barcala)