macky-kasama-si-sunshine-at-mga-anak-copy

SA bahay nina Sunshine Cruz nag-celebrate ng Christmas Eve ang boyfriend niyang si Macky Mathay at napakagandang tingnan ng pictures nilang magkasama. 

May picture na kasama ng magkasintahan ang mga anak nina Sunshine at Cesar Montano at kitang-kita sa kanilang mukha ang genuine happiness.

May picture rin na nasa dining table sina Sunshine at Macky kasama ang kapatid at mommy ng aktres. May isa pang picture na nagpakilig sa mga nakakita, kasama rin nina Sunshine at Macky ang mom and sis ng una. Ang kaibahan lang, nakayakap si Macky kay Sunshine. Nakayakap naman kay Macky ang sister ni Sunshine, isang malinaw na gesture ng buong pusong pagtanggap sa pamilya nila kay Macky.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Dahil nakikitang masaya sina Macky at Sunshine, ang tanong ng followers ng aktres ay kailan sila magpakakasal. ‘Yun nga lang, hindi pa annulled ang kasal nina Sunshine at Cesar, kaya imposible pa sa ngayon ang malinaw na sagot sa naturang katanungan.

Nai-post ni Sunshine earlier na sa nakaraang hearing ng annulment nila ni Cesar ay hindi ito dumating o ang sinuman mula sa kampo nito. (NITZ MIRALLES)