luis-kama-ang-pamilya-ni-jessy-copy

SORRY sa mga hater, pero going strong pa rin ang relasyon nina Luis Manzano at Jessy Mendiola at nitong nakaraang Pasko, bumisita ang TV host/actor sa bahay ng pamilya ni Jessy sa Imus, Cavite. 

Sa picture na ipinost ng aktres, nakangiti ang lahat ng mga magkakasama sa pagpapakuha.

‘Yun nga lang, may mga basher pa rin sina Luis at Jessy na hindi yata makapag-move on na nag-break sina Luis at Angel Locsin at ipinalit ni Luis kay Angel si Jessy.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Naalala tuloy namin ang post ng mother ni Jessy explaining na hindi inagaw ni Jessy si Luis kay Angel at break na ang dalawa nang ligawan ni Luis si Jessy.

Anyway, napansin namin na pare-parehong masaya ang love life ng mga bida sa pelikulang Extra Service. Si Arci Muñoz, may matagal nang BF. Si Coleen Garcia, engaged na kayBilly Crawford. At si Jessy, may Luis nga.

Showing sa January 11 ang Extra Service mula sa direction ni Marlon Rivera at kasama sa cast sina Ejay Falcon, Vin Abrenica at Enzo Pineda. (Nitz Miralles)