HUMAKBANG patungo sa inaasam na ranking points para sa Tokyo Olympics sa 2020 ang Pinoy teen gymnast sensation na si Carlos “Caloy” Yulo matapos magwagi ng isang ginto at dalawang silver medal sa katatapos na Mikhail Vosconin Cup sa Sub-zero Moscow.

Matikas na nakihamok ang 16-anyos na si Yulo, sa kabila ng malamig na panahon, para madomina ang dibisyon at mangibabaw laban sa mga karibal mula sa Japan at Russia.

Nakopo ni Yulo ang silver medal sa Vault at Parallel Bars.

Nakadagdag sa ranking points ang pagwawagi ng bronze medal ni Yulo sa junior men’s artistic gymnastics (MAG) para irehistro ang pang-apat na medalya.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Kabilang sa mga koponan na sumabak sa torneo ang 29 bansa mula sa Europe at Asia.

Ayon kay Gymnastics Association of the Philippine President at Head of Philippine Delegation, Cynthia Carrion-Norton malaki ang tsansa ni Yulo na makasali sa Tokyo Olympics dahil sa naitalang panalo sa international scene.

Aniya, ipinakita ni Yulo ang galaw ng isang kampeon kahit may nararamdaman itong hindi maganda sa kanyang katawan.

Nakabase sa Japan si Yulo sa pangangasiwa ni Japanese coach Munehiro Kugi-Miya. Nakatakda ring siyang sumabak sa a Asian Championships sa May 2017.