Nagbabadyang magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng tumaas ng 50 sentimos ang kada litro ng gasolina at 10 sentimos naman sa diesel.

Ang inaasahang dagdag-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sakaling ipatupad, ito na ang ikatlong beses na taas-presyo sa petrolyo ngayong Disyembre.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang bentahan sa diesel ay nasa P27.55 hanggang P32.25 kada litro na ngayon, habang pumapatak naman sa P36 hanggang P47 ang kada litro ng gasolina. (Bella Gamotea)