Naghain ng reklamo sa Manila Police District Police ang isang bilanggo laban sa kanyang mga kasamahan matapos umano siyang bugbugin at maltratuhin.
Inireklamo ni Jhun Comendador ang mga kapwa niyang bilanggo na sina Jerson Coper, 26; at Jaymark Coper, 20.
Ayon sa mga pulis, nahuli ng custodian officer si Jerson na may hawak-hawak na sigarilyo bagay na mahigpit na ipinagbabawal sa loob ng kulungan, dahilan upang pagbawalan silang tumanggap ng bisita.
Dito na umano pinag-initan nina Coper ang biktima at pinagsusuntok nila ito sa mukha.
Agad ini-report ni Comendador ang insidente sa mga awtoridad at dinala sina Coper kay PO3 Gaford Neil Gramaje na siya namang naghahanda ng kasong isasampa laban sa mga suspek. (Jaimie Rose R. Aberia)