dennis-at-jennylyn-copy-copy

TUWANG-TUWA ang fans nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa nag-viral na picture ng dalawa kuha sa Christmas dinner ng family ni Dennis. Ang mas ikinatuwa ng kanilang fans, kasama nila sa dinner ang anak ni Jennylyn na si Jazz.

May picture pa sina Dennis, Jazz at Jennylyn na wala ang pamilya ng actor at isang kaibigan lang nila ang kasama.

Hindi man sabihin, tanggap na ng pamilya ni Denis sina Jennylyn at si Jazz at importante ito kay Dennis.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Anyway, at least may time to be together sina Dennis at Jennylyn bago sila maging super busy next year. May kani-kanya silang projects at kailangan nilang mag-focus at bigyan ng atensiyon ang kani-kanyang show.

Magiging paspasan na ang taping ni Jennylyn sa My Love From The Star nila ni Gil Cuerva na March 2017 ang airing.

Pinoy remake ito ng sikat na Korean rom-com series at goal ng GMA Network na maging kasing ganda ng original ang adaptation nila.

Si Dennis naman magsisimula nang mag-taping ng remake ng Mulawin. Kaya magiging busy rin siya. (NITZ MIRALLES)