Banderang kapos si Pinoy golfer Chihiro Ikeda sa final round dahilan para makalusot si Thai Saranporn Langkulgasettrin sa kampeonato ng US$80,000 ICTSI Philippines Ladies Masters nitong Sabado sa Alabang Country Club.

Nabitiwan ni Langkulgasettrin ang dalawang stroke na bentahe, ngunit nakabawi sa No. 16 para gapiin si Ikeda sa naiskor na 73 para sa kabuuang 212 iskor.

Naiuwi niya ang $17,000 champion purse sa season-ending tournament na sanctioned ng Ladies Philippine Golf Tour at Taiwan LPGA Tour.

“It’s my first championship here and a big confidence booster for next season,” sambit ni Langkulgasettrin, sumosyo sa ika-12 sa Splendido at ika-14 sa Southwoods – unang dalawang leg ng ICTSI Champion Tour.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Nagdiwang ang local crowd nang ma-birdie ni Ikeda ang No.15 para makatabla kay Langkulgasettrin sa four-under overall. Ngunit, umiskor ang Fil-Japanese star ng triple-bogey sa par-5 16th, na nabirdie naman ng Thai star para sa bentahe may dalawang hole ang nalalabi.

“The key was in the backnine, although I shot one-over, I just focused on my game. When she (Ikeda) missed her shot, I said to myself, alright, I think it’s mine,” pahayag ni Langkulgasettrin.

Tumapos si Ikeda sa iskor na 77, habang umiskor si Princess Superal ng birdie sa final hole para sa 71 at sosyong ikalawang puwesto kina first round leader Kanphanitnan Muangkhumsakul (73) at Lee (76) para sa kabuuang 215 sa torneo na suportado ng ICTSI at co-organized ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc at TLPGA.

“It’s tough since I was just three holes away. But I got too excited and felt tired in the end,” pahayag ni Ikeda.

“But it’s okay and will just try to prepare hard and try again next year,” aniya.