glaiza-copy

MAGANDA ang nabuong friendship sa nina Angelica Panganiban at Glaiza de Castro through the years, kahit magkaiba sila ng network. 

Sa katunayan, marami tuloy ang nagulat kamakailan nang mag-attend si Glaiza ng premiere night ng The Unmarried Wife na pinagbidahan ni Angelica withDingdong Dantes and Paulo Avelino. Pero sabi nga ni Glaiza, suporta niya sa best friend na si Angelica at sa kapwa Kapuso rin na si Dingdong ang pagdalo niya.

Ngayon naman, si Glaiza ang sinorpresa ng kanyang ‘amigah’ na si Angelica ng Christmas gift na ticket para sa concert ng Coldplay sa Singapore.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

So, ano na ang gagawin ni Glaiza sa ticket na binili niya para sa concert naman ng Coldplay sa Korea? 

Paliwanag ng dalaga nang makausap namin sa set ng Encantadia, tickets daw nila ng brother niyang si Alcris ang Christmas gift niya sa sarili. Mas mura raw kasi ang ticket doon kaysa rito sa atin sa Pilipinas, at may chance pa siyang makapasyal ng Korea na kasama sa kanyang bucket list.  

Tamang-tama na kapag nag-concert sa Korea ang Coldplay, tapos na ang taping nila ng epic-serye nila nina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez. 

Hindi kaya ulitin na lamang ni Glaiza ang panonood sa rock band na Coldplay or in return ay regaluhan din niya ang kanyang ‘amigah’ ng ticket ng Coldplay sa Korea para magkasama silang makapamasyal doon?

Samantala, pasama nang pasama ang character ni Glaiza bilang si Pirena na wala nang kinatatakutan sa mga kapatid niyang Sang’gre. Maging sa ama niyang si Hagorn (John Arcilla) ay hindi siya natatakot at kinakalaban niya ito dahil malakas ang kanyang kapangyarihan. 

Pati tuloy ang Encantadiks na masugid na sumusubaybay sa telefantasya, galit na galit na kay Pirena. 

Isa lamang ang nakakapagpalambot ng kanyang puso, ang anak na si Mira na ayaw naman siyang kilalanin bilang ina dahil sa kasamaan nga ng ugali niya.

Napapanood ang Encantadia gabi-gabi sa GMA-7 pagkatapos ng 24 Oras. (NORA CALDERON)