billly-copy

NASA studio kami ng It’s Showtime para sa aming annual carolling sa noontime show ng ABS-CBN nang tiyempong dumaan sa harap namin ang isa sa mga host na si Billy Crawford. Tiyempo rin naman kasi topic namin sa usapan ang isyung tila minadali na ni Billy ang “engagement” nila ni Coleen Garcia.

May lumutang kasing isyu na may “itinatago” raw na extra closeness si Billy sa dancer ng show nila na si Dawn Chang.

Well, siyempre, agad itong itinanggi ng TV host sabay sabi na sana raw ay tantanan na siya ng bashers. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Halos magkasabay ang proposal ni Billy kay Coleen ng engagement naman nina Anne Curtis and Erwan Heussaff kaya may mga nang-iintriga na nakisabay lang daw ang una. May isa pang nagkomento na nagmamadali raw si Billy dahil baka hindi lang si Dawn Chang ang lalabas na isyu sa kanya.

Napalakas ang iling ni Billy sabay sabing iiwasan na lang niyang magkomento sa anumang gustong isipin ng bashers niya. Mas gusto niyang pag-usapan ang kaligayahang nararamdaman ngayon.   

“Basta ako, eh, masayang-masaya ako ngayon,” sabi niya at idinugtong na si Coleen ang nais niyang makasama sa buhay.

Mahigit isang taon na nilang pinag-uusapan ni Coleen ang tungkol sa pagpapakasal pero ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-propose sa girlfriend.

Sampung taon ang tanda ni Billy, 34 kay Coleen, 24. (Jimi Escala)