l-r-leng-raymundo-wilson-tieng-cory-vidanes-catherine-lopez-1-copy

LIVE na mapapanood sa ABS-CBN ang laban ni Bb. Pilipinas-Universe Maxine Medina sa inaabangang 65th Annual Miss Universe pageant na idadaos sa bansa sa Enero 30, 2017.

Pormal nang nilagdaan ng ABS-CBN at Solar Entertainment nitong nakaraang Huwebes ang kasunduan para maging official network partners ng Miss Universe at ihahatid ang pageant sa mga manonood nang live via satellite mula sa SM Mall of Asia Arena simula 8 AM hanggang 11 AM at may replay sa Pebrero 5 sa Sunday’s Best.

Dumalo sa contract signing ang ABS-CBN chief operating officer of broadcast na si Cory Vidanes, Solar Entertainment president and CEO Wilson Tieng, ABS-CBN head of integrated acquisitions and international sales and distribution Evelyn Raymundo, Solar Entertainment vice-president for networks operations, marketing & branding Tessa Alviz, at ABS-CBN finance head of broadcast and integrated news and current affairs Catherine Lopez.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Masaya ako dahil ilang linggo din naming trinabaho na mapagsama-sama lahat ng networks at ito nga, sa wakas ay on board na ang ABS-CBN,” sabi ni Wilson.

“We’re very happy to be part of this with Solar pati na rin ang ibang networks para ihatid sa ating mga Kapamilya ang Miss Universe sa January 30. So, abangan po ninyo,” sabi ni Cory.

Matatandaan na napanood din sa Channel 2 ang Miss Universe pageant nang idaos sa Maynila noong 1994. ABS-CBN ang naging tahanan ng Miss Universe sa Philippine television simula noong 2010, nang muling nakapasok sa top 5 ang bansa sa pamamagitan ni Venus Raj. Sa Kapamilya Network din napanood ng publiko ang laban ng iba pang kinoronahang Miss Universe-Philippines na sina Shamcey Supsup-Lee, Janine Tugonon, Ariella Arida, Mary Jean Lastimosa, at maging ang reigning Miss Universe 2015 na si Pia Alonzo Wurtzbach sa pag-broadcast nito via satellite mula pa sa United States (2010, 2012, 2014, 2015), Brazil (2011), at Russia (2013).

Bukod sa free-to-air TV channel ng ABS-CBN, ang Miss Universe pageant ay mapapanood din sa digital TV via ABS-CBN TVplus.

Huwag palalampasin ang 65th Annual Miss Universe pageant live via satellite sa ABS-CBN, 8 AM, sa Enero 30.