LOS ANGELES (AP) — Ipinapalagay na nalabag ni UFC fighter Cristiane ‘Cyborg’ Justino ang mixed martial arts promotion’s anti-doping policy.
Ipinahayag nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) ng UFC na bumagsak sa ang pamosong fighter sa isinagawang doping test.
Ayon sa ulat ng U.S. Anti-Doping Agency na nangangasiwa sa UFC’s anti-doping program, na nagpositibo si Cyborg sa doping test na isinagawa nitong Disyembre 5. Pag-aaralan ng USADA ang dokumento at detalye bago magpahayag hingil sa sanctioned o suspension ni Justino.
Sa kanyang personal webpage, sinabi ni Justino na nagpositibo siya sa ‘diuretic’ na kanyang iniinom bilang ‘therapeutic treatment’ sa dinaramang karamdaman hingil sa pagbabawas ng timbang. Umaasa siyang hindi mabigat ang kaparusahan na ipapataw sa kanya.
“For my fans who are disappointed in the news, I am sorry,” pahayag ni Justino “You can feel confident that the substance they are inquiring about is not for performance enhancing use, and is needed for my specific treatments.
Feel confident that I am a clean athlete.”
Kabilang si Justino (17-1) sa pinakasikat at pinakaekplosibong fighter sa UFC at ang bagong binuong 145-pound women’s featherweight class ay akmang-akma sa kanya.
Matapos maging star sa Invicta at Strikeforce promotions, lumipat si Justino sa UFC kung saan naitala niya ang magkasundo na panalo ngayong taon.
Kamakailan lamang, nanumpa bilang US citizen ang Brazilian-born fighter . Noong 2012, binawi sa kanya ang featherweight title sa Strikeforce matapos magpositibo sa steroids.