BUDAPEST, Hungary (AP) — Bata pa, tulisan na.
Ipinahayag nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) ng International Weightlifting Federation ang pagsuspinde sa 16-anyos na si Alina-Alexandra Popovici sa loob ng apat na taon, habang banned si Yuliya Kalina sa loob ng dalawang taon dahil sa droga.
Ayon sa IWF, nagpositibo si Popovici, Romania's national champion sa 48-kilogram category, sa ipinagbabawal na anabolic steroid Stanozol sa isinagawang out-of-competition test.
Miyembro si Popovici ng Botosani Sporting Club. Ginawa ang drug test matapos siyang manalo sa national championship nitong taon.
Binawi naman kay Kalina ang bronze medal na napagwagihan niya noong 2012 Olympics matapos magpositibo sa ginawang reanalysis sa kanyang doping sample.
Ayon sa federation, apat pang weightlifter ang suspindido. Ang mga ito ay sina Malvina Soledad Veron ng Argentina, Sergei Dolgalev ng Kyrgyzstan, Moises Cartagena ng Puerto Rico at Adham Badr Masood Marzoq ng Yemen.