billy-at-coleen-copy

ISINALAYSAY ni Billy Crawford sa Tonight With Boy Abunda kung paano niya pinaghandaan ang marriage proposal sa kanyang fiancee na si Coleen Garcia. 

“Actually, sinabi ko kasi Noche Buena, eh,” kuwento ni Billy kay Kuya Boy. “No’ng nando’n na kami sa party, in-explain ko sa kanya na… sabi niya, ‘Bakit nandito si Gino (Reyes)? Bakit ang daming tao?’ Nagkukuwestiyon na siya.

Sabi ko, ‘Di, para masaya! It’s Christmas time, so kailangan may kasama tayong mga tao’.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naging emosyonal ang ama ni Coleen na si Mr. Jose Garcia nang marinig ang proposal ni Billy sa anak. 

“Nagpa-set-up ako ng AVP sa labas, hawak-hawak ko siya, ‘tapos pinapanood niya, ‘tapos, ‘yun at the end, ‘Will you allow me to keep my promise forever?’ Umiyak! Umiyak siya, pero mas maganda ‘yung reaction ng tatay niya, eh, umiyak ‘yung tatay, hindi pa rin maka-get over.”

Masayang-masaya si Billy pagkatapos ng proposal.

Kuwento pa niya, sa Spain sana niya plinanong isagawa ang proposal ngayong holiday season pero nagdesisyon siyang dito na lang isagawa. Naisip niya na mas magiging special ang lahat kung masasaksihan o magiging bahagi ng kanyang proposal kay Coleen ang mga taong naging bahagi ng kanilang relasyon.

Nabili na raw niya ang regalo niyang engagement ring kay Collen, 19 na buwan na ang nakakaraan.

“No’ng binili ko na ‘yung singsing na ‘yun, obviously, sa ’kin, alam ko na siya na talaga papakasalan ko. Pero there are a lot of things that are going on sa buhay namin na kailangan namin unti-untiin i-prioritize,” sabi ni Billy, at idinugtong na ang career nila pareho ang naging dahilan. 

Kailan ang kasal kung ganoon?

“It shouldn’t be anytime soon, meron din naman kaming obligations na we have to take care of, we have to work and we want a bright future,” sagot ng binata.

Naging officially engaged sina Billy at Coleen nitong nakaraang December 20. (ADOR SALUTA)