MINANA ni dating PBA star at veteran internationalist Olsen Racela ang coaching job sa Far Eastern University mula sa nakababatang kapatid na si Nash.

Binitiwan ni Nash ang trabaho sa Tamaraws nang kuning head coach ng Talk ‘n Text Katropa sa PBA.

Bagong karanasan ito para kay Olsen Racela na sasabak sa collegiate coaching job sa kauna-unahang pagkakataon. Naging head coach siya ng Pteron Blaze sa PBA sa maiksing pagkakataaon at naging deputy ni Tim Cone at bahagi ng coaching staff ni Norman Black sa panahon niya sa San Miguel Beer.

Walang ingay sa kaganapan ang FEU management. Inilahad ang pagkakatalaga kay Olsen sa opisyal website ng eskwelahan.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nagsilbi rin si Olsen sa National Team bilang head coach ng Philippine youth team kung saan isa si Nash sa kanyang assistant.

Nananatili namang consultant si Nash sa basketball operation ng FEU, habang nanatili sa bench ang mga assistant na sina Josh Reyes, Eric Gonzales at Gilbert Lao. (Marivic Awitan)