petra-copy

PRAGUE (AP) — Nasugatan sa kaliwang kamay si two-time Wimbledon champion Petra Kvitova matapos atakihin ng magnanakaw sa loob ng kanyang tahanan, ayon sa ulat ng Associated Press.

Ayon sa tagapagsalita ni Kvitova na si Karel Tejkal, kaagad namang nagamot ng paramedics ang sugat at ligtas naman ang Czech tennis star.

Naganap umano ang insidente nitong Martes (Miyerkules) sa Manila, nang maaktuhan niya ang panloloob sa kanyang tahanan. Hindi naman naidetalye kung may naganap na pagdakip sa suspect.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nitong Lunes, ipinahayag ni Kvitova ang pagatras para sa Czech Republic team na sasabak sa Hopman Cup mixed-team tennis tournament sa susunod na buwan dahil sa injury sa paa.