MARIA AURORA, Aurora - Nilooban ng nag-iisang kawatan ang isang 63-anyos na negosyante sa Barangay Quirino sa bayang ito, madaling araw nitong Linggo.

Kinilala ng mga awtoridad si Randy Fabionar na umano’y nanloob sa bahay ni Antonio Ty, kapwa ng Bgy. Quirino.

Natangay ng suspek ang isang Cannon camera, Sony video cam, Toshiba hard drive, portable WiFi, Cherry Mobile phone at tablet at iba pang gadgets na sa kabuuan ay nagkakahalaga ng P131,350.

Kinasuhan na ni Ty si Fabionar, na pinaghahanap pa ngayon. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!