Dahil ‘di lubos matanggap ang tuluyang pakikipaghiwalay ng nobya, nagpakamatay ang isang lalaki sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

“Bzta dadi sori s lht… Wag nio xna icpin n d q keo mhl dhl d totoo un mhl n mhl q keo… lam q nman N di nio pbbYaan c dEnver… Dadi mhl n mhl q lng tlaga c Jhen d q kya mwla xia,” ito ang ipinadalang mensahe ni Oscar Cruz III, 29, janitor, ng 736 Maria Guizon Street, Tondo, Maynila sa kanyang ama, dakong 12:38 ng madaling araw, bago tuluyang nagpakamatay sa loob ng kanilang tahanan.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Glenzor Vallejo, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons

Investigation Section (CAPIS), dakong 5:30 ng madaling araw nadiskubre ang bangkay ng biktima habang nakabigti gamit ang isang lubid.

Eleksyon

Marcoleta nagpapatulong sa mga botante: ‘Dalhin n’yo ako sa Senado!’

Halos hindi makapaniwala ang ama ng biktima nang makita ang bangkay ng anak at agad humingi ng tulong sa pulisya.

Lumilitaw na hindi nakayanan ng biktima ang pagtangging makipagbalikan ng dati niyang kinakasama. (Mary Ann Santiago)