SIGURADO na ang paglahok sa prestihiyosong Herald Sun Tour sa Australia ng Philippine Continental Cycling Team na Seven Eleven Sava RBP sa Pebrero 11-15.

Mismong sina Seven Eleven Sava RBP team director Ric Rodriguez at team manager Engineer Bong Sual ang kumumpirma ng kanilang gagawing partisipasyon sa karera.

Ayon sa dalawang team official,natanggap nila ang imbitasyon ng orgtanizer at sa kauna-unahang pagkakataon magkakaroon ng partisipasyon ang Pilipinas sa torneo.

Napuna ng Herald Sun Tour organizers ang magandang performances na naipamalas ng koponan sa nakalipas na apat na taon ng pagsali nila sa mga classified 2.2 Asian races kung kaya nagpasiya silang imbitahin ang koponan sa kanilang karera.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Ayon kay Rodriguez, isang magandang pagkakataon na ito para sa Pinoy riders na miyembro ng team para masukat kung hanggang saan na ang kanilang kakayahan sa pakikipagsabayan sa mga World Tour class riders na gaya ni 3- time Tour de France champion Chris Froome na kalahok din sa karera kasama ng koponan nitong Team Sky.

Nais din ng Seven Eleven na maglaroon ng sapat na karanasan na puwede nilang magamit sa kampanya nilang makapag- qualify sa darating na 2020 Tokyo Olympics.

Bilang paghahanda, lalaban muna ang grupo, sa pangunguna ni 2016 Tour of Guam champion Mark John Lexer Galedo sa New Zealand Cycling Classic sa Enero 22-26. (Marivic Awitan)