fb_img_1478399263468-copy

RAMDAM na ang diwa ng Pasko saan mang bahagi ng Pilipinas. Ito ang pagdiriwang na pinakahihintay ng lahat sa buong taon.

Kaya taun-taon ay sinisikap ng iba’t ibang sangay ng SM Supermalls sa bawat pamilyang Pinoy at maging sa mga turistang shoppers, lalo na sa mga bata, ang tunay na diwa ng Pasko.

Ngayong taon, may inihandang iba’t ibang centerpiece ang bawat sangay ng SM sa Tarlac, Isabela at Pangasinan na maaaring pasyalan at makapag-enjoy sa pagdiriwang ng Kapaskuhan.

Human-Interest

Doktor, may babala sa mga gumagamit ng cotton buds, palito ng posporo sa paglilinis ng tenga

Kung ang hanap mo ay super giants, matatagpuan ito sa SM Tarlac. Isang giant drummer boy, kasama ng rotating ballerina at giant piano ang agaw-pansin sa shoppers simula nang ilunsad ito noong Nobyembre 5 sa atrium ng mall.

Hinikayat din ni Kristina Bernal , marketing officer ng SM Tarlac ang shoppers na bumili ng “bears of joy” upang makinabang din ang mga batang kapuspalad.

At para sa mga bayan sa Isabela, ang SM Cauayan ay naghanda naman ng Royal Drum Beaters sa kanilang Christmas Village na dagdag atraksiyon sa shoppers. Pinakamainam na lugar ito ngayong Pasko para sa pamilya at magkakaibigan na nais lumikha ng mga alaalang mahirap kalimutan.

Samantala, para sa mga nais makaranas ng Winter Christmas, matatagpuan naman ito sa Igloo Park na itinayo ng SM Rosales sa Pangasinan.

Kaya ang mallers sa naturang probinsiya, namamasyal ngayon na suut-suot ang kanilang mga itinatagong winter clothes.

(LIEZLE BASA IÑIGO)