kiddie-players-chun-sa-angelica-bruce-raikko-alonzo-khazzy-esang-copy

NGAYONG Kapaskuhan, susubukin ang kahusayan at diskarte ng mga bulilit sa Minute To Win It sa bago nitong edisyong “Last Kid Standing” simula ngayong Lunes (December 19) sa ABS-CBN.

 

Gaya sa “Last Man Standing,” walong kiddie players ang maglalaban-laban sa pitong challenges na walang time limit at gamit ang mga ordinaryong bagay na makikita sa bahay at opisina. Ang huling kiddie player na makakagawa o hindi makakagawa ng challenge ang siyang matatanggal sa pagtatapos ng bawat challenge, at magpapatuloy ito hanggang sa dalawang players na lang ang matitira. 

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Maghaharap naman ang dalawang players na ito sa Head-to-Head Challenge na may tatlong games.

Mas exciting ang laban dahil ang magwawagi sa bawat challenge ang magwawagi ng bonus prizes gaya ng mga laruan, gadgets, appliances, o trips sa loob at labas ng bansa.

Ang player na magwawagi ng dalawa sa tatlong games sa Head-to-Head ang maglalaro sa Ultimate Challenge, para sa pambihirang pagkakataon na mapanalunan ang jackpot prize na P1 milyon. 

Ang sa Kapamilya child stars na unang maglalaro ay sina Clarence Delgado, Raikko Mateo, Alonzo Muhlach, Vito Quizon, Marco Masa, Esang de Torres, Chun Sa Jung, at Nhikzy Calma. Makakatapat nila ang regular players na nakuha mula sa auditions para sa nasabing edisyon.

 

Hindi lang ang programa ang namimigay ng mga papremyo at tulong sa players kundi maging ang host nitong si Luis Manzano. Napagawan niya ng pustiso ang player na si Tatay Roman at binigyan naman ng tricycle si Kuya Onio.

Napaligaya rin ni Luis ang anak ni Kuya Onio na sinagot niya ang birthday party.

Huwag palampasin ang Minute to Win It: Last Kid Standing simula ngayong Lunes, mula Lunes hanggang Biyernes sa ABS-CBN.