“LOOKING back, do you think you were too young when you got married?”

Ito ang tanong ng audience kay Hilary Duff nitong Biyernes nang mag-guest sa The Talk.

Walang pag-aalinlangang sumagot ang bida ng Younger, 29-anyos, ng: “I do.”

“I was 22 when I got married. I’m now divorced, I have a 4-year-old — I wouldn’t change any of it for the world,” pag-amin ni Hilary sa kanyang co-host na si Sharon Osborne.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipinaliwanag ni Duff na sa unang bahagi ng kanyang 20s, siya ay, “so much so young” pero naramdaman niya na siya ay, “ready ready to get married.” Noong Agosto 2010, nagpakasal siya kay Mike Comrie – nagkaanak sila ng lalaki, si Luca, 4-anyos – ngunit nagdiborsiyo nitong nakaraang Pebrero.

“However, I don’t think we were mature enough to stick it out,” pagbubunyag ni Hilary.

Bagamat inamin ng aktres na bata pa siya nang ikasal sa edad na 22, naniniwala si Hilary na maaari namang magtagal ang pagsasama ng ibang tao na nagdesisyon na maagang magpakasal

Sumang-ayon naman dito ang co-host niya, at ibinahagi na ang bawat kasal ay “case by case.”

“You can’t say blanket, ‘this is the way it should be,’ ” aniya. “It’s on an individual basis. That’s the way it has to be.”

Isang buwan ang nakalilipas, inihayag ni Hilary, na nakipaghiwalay kay Jason Walsh kamakailan, na hindi niya nararamdaman na kailangan niyang magpakasal sa darating na panahon.

“I don’t feel the need to get married again. As much as I was ready and excited, you’re like, ‘Oh, next step. We get married.’ That is the traditional person that I’m talking about that’s inside of me or however I was raised,” saad ni Duff. “I don’t feel the need. I got to have the experience and it was awesome. I guess if it mattered to someone else that much, I would consider it.” - People.com